Sapul sa CCTV: Bus tumagilid sa Butuan, 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 10:23 AM

Watch also in iWantTFC

Dalawang pasahero ang sugatan matapos tumagilid ang isang pampasaherong bus na kanilang sinasakyang sa Maharlika Highway, Butuan City.

Ayon sa driver na si Randolph Camotuhan, nawalan ng kontrol ang bus matapos niyang iwasan ang isang tao na tumatawid sa kalsada sa Maharlika Highway.

Sa kuha ng CCTV, kumanan sa kabilang lane ang bus at nagpagewang-gewang bago tuluyang tumagilid.

Dalawa sa 30 pasahero ng bus ang nasugatan at isinugod sa Butuan City Medical Center. – Umagang kay Ganda, 24 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.