Bautista, nagpaalam na sa Comelec

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2017 03:29 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagpaalam na kanina si Comelec Chairman Andres Bautista sa mga empleyado ng Comelec. Ito'y matapos tanggapin ng Pangulo ang kanyang resignation. Pero, imbes na sa katapusan ng taon na gusto sana ni Bautista, "effective immediately" ang desisyon ng Pangulo. Wala pang sinasabi ang Palasyo kung sino ang papalit kay Bautista. Pero dahil sa pagpapaalam kanina ni Bautista, hindi na itutuloy ang impeachment laban sa kanya. I-Bandila mo, Mike Navallo. Bandila, Oktubre 23, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.