Home > News DILG humihiling ng dagdag P6.2-B budget para sa 25K contact tracers ABS-CBN News Posted at Oct 23 2021 09:57 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Humihiling ng karagdagang pondo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Kongreso para madagdagan ang bilang ng contact tracers ng COVID-19 cases sa susunod na taon. Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, napalawig ang kontrata ng 15,000 contact tracers sa ilalim ng DILG hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan. “Pero humihiling kami sa Kongreso na bigyan kami ng budget to increase this up to 25,000 for the year 2022. Na miss out ito sa budgeting. Na-realize naman ng ating mga mambabatas na importante ang contact tracing so humihingi kami ng 25,000 contact tracers sa budget for 2022,” pahayag ni Densing. Sa panayam sa TeleRadyo nitong Sabado, sinabi ni Densing na bukod sa 15,000 contact tracers, magha-hire pa sila ng dagdag 10,000 sakaling maaprubahan ang hinihinging budget. “Ang budget na hinihingi namin for the 25,000 for the whole year P6.2 billion. Namiss out ito sa pagbaba-budget for 2022 kaya nga nung nalaman ito ng ating mga mambabatas lalo na sa Senado, naghanap sila ng paraan para mabuo itong P6.2B para sa 25,000 contact traceer for the whole of 2022,” sabi niya. - TeleRadyo 23 Oktubre 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber DILG, Contact Tracers, Coronavirus, Contact Tracing, 2022 budget, TeleRadyo Read More: DILG Epimaco Densing III Contact Tracers COVID 19 Coronavirus Contact Tracing 2022 budget DILG