13 detainees pumuga sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2020 07:58 AM | Updated as of Oct 22 2020 08:15 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Patuloy ang pagtugis sa 13 detainees na pumuga sa Caloocan custodial facility sa tabi ng City Hall nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Police Col. Dario Menor, 15 detainees ang nakatakas mula sa facility ng mga detainees na COVID-19 positive o isinailalim sa coronavirus testing ngunit nahuli ang 2 na nagsabing matagal nang pinaplano ang pagtakas.

Ang iba sa detainees ay namalagi na ng 21 araw sa facility o lagpas sa 14 na araw na incubation period ng virus.

Simula Lunes ay dahan-dahan nang sinisira ang likurang pader ng kulungan kung saan 2 pulis lamang ang naka-istasyon noong pumuga ang detainees, ayon sa pulisya.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms, drugs ang mga nakapuga habang ang iba ay minor offense tulad ng paglabag sa curfew.

1. Martin Mama
2. Gerrymar Petilla
3. Hudson Jeng
4. Aldwin Jhoe Espila
5. Reymark Delos Reyes
6. Norbert Alvarez
7. Mark Oliver Gamutia
8. Jovel Toledo Jr
9. Arnel Buccat
10. Raymond Balasa
11. Reynaldo Bantiling
12. Dunacao Aries
13. Tejeros Justine

Mahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang 2 pulis na naka-istasyon sa facility nang pumuga ang mga detainees, ayon sa pulisya.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.