Mag-iinang nagkunwaring nakidnap, arestado

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2018 12:29 PM | Updated as of Sep 16 2019 03:54 PM

Watch also in iWantTFC

Inaresto ang isang ginang at kaniyang 2 anak matapos magpanggap na nadukot upang makakuha ng pera mula sa kanilang padre de pamilya, sinabi ng pulisya, Lunes.

Humingi ng tulong ang isa sa mga suspek dahil nakidnap umano ang kaniyang ina at kapatid nitong Setyembre, ayon kay police Anti-Kidnapping Group director, Chief Superintendent Glenn Dumlao.

Humingi umano ng P10 milyon na ransom ang mga kidnapper, pero napababa ito sa P5 milyon.

Pero bago magkabayaran ng ransom, namataan ng mga pulis ang umano'y nakidnap na mag-ina na nanunuluyan lang pala sa bahay ng isang kaibigan.

Nadakip kalaunan ang mag-iina sa Malolos, Bulacan.

Sa debriefing, inamin ng mag-iina na gawa-gawa lamang nila ang umano'y pagdukot upang makakuha ng pera sa Taiwanese na padre de pamilya.

Nasa Taiwan ang lalaki at natigil magpadala ng sustento nitong Agosto, sabi ng pulisya.

Inihahanda na nila ang kaso laban sa mag-iina.

DZMM, 22 Oktubre 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.