14 patay sa Zamboanga dahil kay 'Paolo'

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2017 04:39 PM | Updated as of Oct 22 2017 05:35 PM

Watch also in iWantTFC

Umakyat na sa 14 ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong "Paolo" sa Zamboanga peninsula, kinumpirma ng Office of Civil Defense ng rehiyon, Linggo. 

Siyam sa 14 na biktima ay mula sa Zamboanga City. Karamihan sa mga nasawi ay mga nalunod habang ang iba ay tinamaan ng kidlat, nakuryente o binagsakan ng puno, ayon kay Jose Eric Castillo, operations officer ng OCD-Region 9. 

Nagdala ng malakas na ulan ang super typhoon at nagdulot ng mga pagbaha sa malaking bahagi ng bansa nitong nakaraang linggo. 

Kabilang sa mga pinakamalalang nasalanta ang Zamboanga City, na nagdeklara na ng state of calamity

Nasira ang 641 bahay sa lungsod, ani Castillo. 

Nakaalis na si Paolo sa Philippine area of responsibility, pero isang low pressure area sa labas ng bansa ang maaaring maging bagyo sa mga susunod na araw, ayon sa state weather bureau PAGASA.  

DZMM, 22 Oktubre 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.