Basura, water lilies inanod ng ulan patungong Manila Bay white beach

ABS-CBN News

Posted at Oct 21 2020 09:16 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Inanod ng matinding pag-ulan nitong Martes ang basura at water lilies sa dolomite o white beach area ng Manila Bay.

Makikita ang mahabang tambak ng plastic, styrofoam, kahoy at mapapansin na rin ang gray o black sand sa ibang bahagi ng beach.

Sa kabilang dulo ng Manila Baywalk, malinis naman ang bahagi ng Manila Yacht Club na puno ng basura noong nakaraang buwan.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News