Mga pasahero at bus sa bike lane, nakakaabala sa mga siklista

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 02:09 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Inirereklamo ngayon ng mga nagbibisikleta ang mga 
pasahero na sumasakay at mga bus na dumadaan sa kanto ng BIR Road at Quezon Avenue sa Quezon City.

Ito ay matapos na ilagay ang bike lane partikular sa Quezon Avenue kung saan mismo humihinto ang mga bus para magsakay ng mga pasahero at okupado na ng mga pasahero ang bike lane.

Walang magawa ang mga siklista kung di mag-adjust. May iba na bumababa ng kanilang bisikleta at naglakad na lamang habang ang iba ay binagalan na lang ang pagpedal o umiwas na lamang sa bike lane.

Marami pa rin ang naguguluhang pasahero kung saan sila bababa at sasakay kaya tuloy-tuloy ang paalala ng mga naka-deploy na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcers sa lugar.

- TeleRadyo, 20 Oktubre 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.