TINGNAN: Papel at paso, gawa sa dumi ng kalabaw

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 12:29 PM

Watch more in iWantTFC

Naka-imbento ang mga senior high school students mula sa San Isidro National High School sa Isabela ng mga paso at papel na gawa sa dumi ng kalabaw.

Hinuhugasan muna ang dumi ng kalabaw bago isala para makuha ang carabao fiber.

Ayon sa kanila, malaki ang maitutulong nito sa pangangalaga ng kalikasan.

Hindi na kasi kakailanganin ng plastic na paso.

Mababawasan na rin ang mga pinuputol na puno. – Umagang kay Ganda, 20 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.