Sapul sa CCTV: Pananalisi sa tindahan sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 11:11 AM

Watch also in iWantTFC

Sapul sa CCTV ang ginawang pananalisi ng isang lalaki sa isang tindahan sa Maynila.

Sa video, kitang naglalakad ang isang lalaking naka-sumbrero.

Makailang beses niyang sinilip ang isang tindahan at binalik-balikan.

Ayon sa tinderong si John Mateo, nagpakuha ng 15 kaha ng sigarilyo ang lalaki.

Naglabas pa siya ng P100 na kunwari'y pambayad niya bago nagpakuha ulit ng 20 softdrinks.

Habang kinukuha ng tindero ang bagong order nito, doon na umalis ang suspek.

Sa CCTV ng barangay, nakitang nagmamadaling sumakay ng jeep patungong Pritil, Tondo ang suspek.

Na-upload sa social media ang kuha ng CCTV na nakita naman ng iba pang nabiktima ng lalaki. – Umagang kay Ganda, 20 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.