Lalaki sumabit ang damit sa dumadaan na trak, nasagasaan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 11:05 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sugatan ang isang lalaki nang magulungungan ng 24-wheel truck sa Camarin Road, North Caloocan Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga nakakita, naglalakad daw si Rommel Fulga Magsote matapos bumili ng yelo nang sumabit ang kanyang damit sa dumadaan na trak.

Nahatak ang biktima ng trak at pumailalim hanggang sa masagasaan ng gulong.

Napahinto ng mga tao ang driver ng trak at naiwang nakaipit si Magsote sa gitna ng dalawang gulong.

Agad na inangat ang trak gamit ang car jack upang maalis ang biktima na nagtamo ng sugat sa katawan.

Dinala siya sa Tala General Hospital.

Ang drayber naman ng trak na si Leo Inapusong ay kusang sumama sa mga pulis.

Ayon sa mga witness, hindi naman daw mabilis ang takbo ng trak. Mukha daw nakainom ang biktima pero hindi rin naman ito lasing. – Umagang kay Ganda, 20 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.