Angkas sa motorsiklo, nagulungan ng concrete mixer

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 11:34 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lalaking angkas ng motorsiklo matapos magulungan ng trak na may dalang concrete mixer sa Ermita, Manila.

Kinilala ang biktima na si Arvie Fernandez, 30-anyos.
 
Base sa kuha ng CCTV, galing sa Ayala Avenue pakanan sana sa San Marcelino Street ang motorsiklo nang masagi ito ng mixer.

Agad binawian ng buhay ang biktima pero nakaligtas ang nagmamaneho ng motorsiklo.

Nahabol pa niya ang driver ng mixer na si Joey Fajardo.

Aminado si Fajardo na hindi niya napansin na may motorsiklo sa gilid ng mixer.

Posible daw na sumingit ang motorsiklo.

Parehong walang suot na helmet ang rider at ang biktima.

Ayon sa asawa, galing sa inuman ang biktima at posibleng nakainom nang mangyari ang insidente. Umagang kay Ganda, 20 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.