2 estudyante, huli sa paggamit ng droga sa paaralan

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2017 12:27 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Huli ang dalawang estudyante na gumagamit umano ng droga sa loob ng paaralan sa Maynila.

Ayon sa isang PDEA agent, naamoy ng teacher ang marijuana sa isang CR. Nang kanyang suriin, dito na niya nakita ang dalawang lalaking estudyante sa loob at dinala agad sa discipline office. 

Nakuha sa isang estudyante ang pouch na may hinihinalang dried marijuana leaves. Yung isang estudyante na menor de edad ay hinagis pa umano palayo ang tube na ginamit.

Samantala, mahigit 100 katao nahuli sa one time big time operation sa Caloocan na ngayon ay tinawag nang “Oplan Rody” o Rid the Streets Off Drinking and Youth. 

100 ang nahuling umiinom ng alak sa pampublikong lugar at walang suot pang itaas. Mahigit 30 kabataan naman ang na rescue sa daan.

Ayon kay Caloocan police chief Jemar Modequillo, maraming tao pa rin ang hindi alam ang mga ordinansa kaya pinakawalan din agad ang mga ito matapos na na mag-push up. – Umagang kay Ganda, 20 October 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.