2 kawatan nangholdap, nanghalay, namaril sa computer shop

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 09:04 AM | Updated as of Oct 19 2018 07:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Magbibigay ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Ramon, Isabela sa sinumang makatutulong sa ikadarakip ng 2 nangholdap sa isang computer shop sa bayan, Linggo.

Bukod sa pagnanakaw, hinalay pa ng mga suspek ang anak ng may-ari ng shop at binaril at napatay pa ang kuya ng biktima na nagtangkang ipagtanggol ang kapatid.

Tukoy na ang pagkakakilanlan ng mga suspek. 

Paiimbestigahan din ang umano'y kapabayaan ng mga pulis kaugnay sa mga insidente ng panghoholdap, lalo't napag-alaman na ang mga suspek rin ang itinuturong nambiktima sa isang coffee shop kung saan nakunan pa sila ng litrato. 

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, October 19, 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.