No. 1 tulak-droga ng San Jose Del Monte patay sa bakbakan

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2018 09:31 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang itinuturong top drug personality ng San Jose Del Monte police sa Bulacan matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis ngayong Huwebes ng umaga.

Nakilala lamang bilang si alyas Boy Negro ang target ng operasyon sa Block 12, Phase 6F, Barangay Gaya-gaya.

Narekober mula sa suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu, isang baril at mga bala.

DZMM, 18 Oktubre 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.