Schedule na dalaw sa mga sementeryo sa San Juan, umpisa na

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2020 11:10 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Binuksan na ang mga sementeryo at mga kolumbaryo sa San Juan City para mas maagang makadalaw ang mga tao sa kanilang mga yumaong kamag-anak bago pa ang Undas.

Sarado ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nob. 4 para maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao.

Iilan pa lamang ang mga tao na dumadalaw sa San Juan City Public Cemetery, Biyernes ng umaga dahil by schedule na ito.

Bawal pumasok ang walang face mask at face shield at dalawa lang sa bawat pamilya ang pwede.

Para sa mga nais magpa-schedule, mag register sa www.picktime.com/sanjuancityundas2020 o tumawag sa kanilang mga hotline na 7728-9818 o 09151627152.

- TeleRadyo, 16 Oktubre 2020