Minaltratong OFW na halos mamatay sa gulpi, nakamit na ang hustisya

ABS-CBN News

Posted at Oct 16 2020 07:34 PM

Watch also in iWantTFC

Matinding pangmamaltrato ang naranasan ng OFW na si alyas "Honey" sa kaniyang mga amo noon sa Malaysia. Binubuhusan siya ng kumukulong tubig, minsa'y pinapaso ng plantsa, at halos mawalan na ng malay sa tindi ng mga bugbog. Matapos ang 3 taon, hinatulan ng korte sa Malaysia ang mga dating amo ni Honey ng parusang kulong, kasabay ng pagbabayad ng danyos. Nagpa-Patrol, Henry Omaga Diaz. TV Patrol, Biyernes, 16 Oktubre 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.