Lacson pinuna hiling na pondo ng DPWH para sa ilang imprastruktura

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2020 11:38 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA— Pinuna ni Sen. Panfilo Lacson Huwebes ang paglalaan ng pondo ng Department of Public Works and Highways sa mga proyektong pang-imprastruktura na tila wala namang kinalaman sa pagtugon sa COVID-19 crisis sa bansa.

Ayon kay Lacson, bukod sa huli na ang pagpasa ng DPWH ng proposed 2021 budget nito, isinalarawan niya ito bilang “mangled” o “mutilated.”

“Nung ineksamin namin 'yung submission na ipinadala lamang nung Sept. 7 nakita namin ang laki na nang pagbabago, ‘di na namin makilala,” sabi ni Lacson isang araw matapos sumalang ang DPWH sa budget hearing sa Senado. 

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Lacson na kapansin-pansin umano ang laki nang nabawas sa national projects at napunta ang pondo sa local projects. Isa pa aniyang nakita nila ay ang maraming proyekto para sa multipurpose buildings at coliseums.

“Paano makakatulong sa COVID recovery o pag rebound sa ekonomiya 'yung katakot-takot na multipurpose building pati may mga coliseum pa?” tanong niya.

Ang DPWH ay humihingi ng P667.32-billion budget para sa taong 2021.

- TeleRadyo, 15 Oktubre 2020