PatrolPH

Presyo ng isda, gulay sa Cainta Market nagtaas-presyo dahil sa masamang panahon

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2021 02:02 PM

Watch more on iWantTFC

Nagkaroon ng taas-presyo ang ilang isda at gulay sa Cainta Market sa Rizal bunsod ng masamang panahon. 

Nagtaasan ang presyo ng mga gulay na galing Baguio City bunsod ng masamang panahon. 

  • Repolyo→ P100/kilo dating P 60/kilo 
  • Baguio Beans→ P120/kilo dating P100/kilo 
  • Pechay Baguio→ P80-100/kilo
  • Patatas→ P120/kilo dating P 80/kilo 
  • Carrots (local)→ P120/kilo dating P100/kilo
  • Bell Pepper→ P200/kilo

Nasa P200 kada kilo na mula P180 ang kada kilo ng bangus. 

Samantala, ang tilapia, P170 kada kilo na mula P110 hanggang P120 kada kilo. 

Aabot sa P280 ang kada kilo ng galunggong at dalagang bukid. 

Inaasahan ding tataas pa ang presyo sa mga susunod na araw dahil sa epekto ng bagyo. 

— Teleradyo, 14 Oktubre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.