Home > News Lalaki sugatan matapos na bumaliktad sasakyan sa QC ABS-CBN News Posted at Oct 14 2021 09:09 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Sugatan ang isang lalaki matapos na bumaliktad ang minamaneho niyang kotse sa Mindanao Avenue sa Quezon City, Huwebes ng madaling araw. Nagtamo ng galos sa binti ang lalaki matapos maaksidente Ayon sa enforcer na unang rumesponde sa aksidente, galing ang sasakyan sa direksiyon ng Mindanao Avenue corner Congressional Avenue. Pauwi na umano ang lalaki sa Ugong, Valenzuela at binabaybay ang nasabing kalsada nang tumama ang kotse sa barriers sa ilalim ng footbridge bago mag ala-1 ng madaling araw. Sa CCTV footage ng Barangay Tandang Sora, makikitang bumaliktad ang sasakyan dahil sa lakas ng pagkakabangga nito. Ayon sa isang saksi, self accident ang nangyari. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang driver Naialis na agad ang sasakyan sa kalsada at dinala na sa Quezon City Traffic Management Office. - TeleRadyo 12 Oktubre 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Bumaliktad na kotse, Aksidente, Mindanao Avenue accident, Quezon City, transportation, TeleRadyo Read More: Bumaliktad na kotse Aksidente Mindanao Avenue accident Quezon City transportation