Flower farm sa Daraga, Albay handa na para sa Undas

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2021 09:23 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Namumukadkad na ang halos lahat ng klase ng mga bulaklak sa isang flower farm sa Barangay Matnog sa Daraga, Albay.

Ilan sa mga ito ang tinawag nilang yellow gold.

Ayon sa may-ari ng farm. buwan ng Hunyo pa nila itinanim ang mga bulaklak para sa Undas. Pero hindi pa mang Undas ay nagsimula nang mamitas sila ng mga bulaklak para ibenta. Nangangamba silang baka masira pa ang mga bulaklak dahil sa ilang linggo na ring pag-uulan.

Malaki ang paniwala ng may-ari ng farm na kahit maaga siyang nag-harvest ay maibebenta pa rin ang mga ito dahil may mga taong maagang pumupunta sa mga sementeryo.

Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3 ipinag-utos ng simbahan na pansamantala munang isara ang lahat ng Catholic cemetery sa Albay dahil sa banta ng COVID-19.

Nasa P25 hanggang P35 ang presyo ng kanilang bulaklak.

Umaasa naman ang mga flower farm owners sa naturang barangay na magiging malakas pa rin ang bentahan ng mga bulaklak ngayong Undas kahit pa mayroong pandemya. 

- TeleRadyo 14 Oktubre 2021