Home > News Restobars dapat humingi ng clearance kung pwedeng mag 24 oras - DTI ABS-CBN News Posted at Oct 14 2020 10:08 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Hinikayat ng Department of Trade and Industry ang mga restobar na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan kung sakop ba ang kanilang negosyo na mag-operate ng 24-oras. Ito’y matapos na salakayin ng mga tauhan ng Quezon City Task Force Disiplina ang isang restobar sa lungsod at tinikitan ang 26 na kustomer nito na kumakain at nag-iinuman dahil lagpas na sila sa itinakdang curfew hours na mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. sa ilalim ng general community quarantine. 26 customer ng restobar sa QC, lumabag umano sa curfew “Yung grey area o alanganin, kumuha na lang ng clearance para sigurado po sila,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez sa panayam ng TeleRadyo Miyerkoles ng umaga. Sa ilalim ng DTI Memorandum Circular 20-52, pinapayagan ng mga restaurant at fastfood na taasan pa ang kanilang operational capacity para sa dine in at papayagan na rin na makapag-bukas ng 24-oras. “Yung aming memo circular referring to dine-in. Kung restobar baka na mistake nila for inuman kaya importante sa mga ganung establisyimento makipag-ugnayan sa local government para malinawan ang kanilang role kung sila ay papayagan,” dagdag niya. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Restobars, Department of Trade and Industry, Ramon Lopez, Metro Manila GCQ, Teleradyo Read More: Restobars Department of Trade and Industry Ramon Lopez Metro Manila GCQ Teleradyo