'Tienda Malasakit' sa Taguig dinumog

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2018 12:05 PM | Updated as of Oct 14 2018 12:29 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dinumog ng mga mamimili ang murang bigas, gulay at isda sa "Tienda Malasakit" ng Department of Agriculture (DA) sa Taguig ngayong Linggo.

Mula sa iba't ibang lalawigan ang mga alok na produkto sa lugar, katulad ng tuna mula sa General Santos City at mga kamatis galing sa Laguna, kung saan mayroong oversupply.

Narito ang presyo kada kilo ng ilan sa mga produktong direktang binili ng pamahalaan mula sa mga magsasaka at mangingisda:

NFA rice - P27
Commercial Bigas - P39
Mangosteen - P100
Pomelo - P120
Lanzones - P100
Banana lakatan - P45
Pinya - P25
Papaya - P15
Guyabano - P60
Tuna belly - P320
Tuna panga - P220
Sili - P400
Tilapia - P65-80
Bangus - P150

Makikipag-partner ang DA sa mga lokal na pamahalaan para makapagbukas ng Tienda Malasakit stores sa iba pang barangay sa Metro Manila, sabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

DZMM, 14 Oktubre 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.