ALAMIN: Tinatantiyang galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2017 11:19 PM | Updated as of Oct 14 2017 11:49 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Walang masyadong galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo. 

Maglalaro sa P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina habang mapapako lang ang presyo ng diesel.

Tinatantiya namang matatapyasan ng P0.10 hanggang P0.20 kada litro ang presyo ng kerosene. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.