Home > News Lalaki, 19, patay nang saksakin sa Las Piñas dahil umano sa paghingi ng pera Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News Posted at Oct 12 2021 06:55 AM | Updated as of Oct 12 2021 07:36 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Naulila ang kinakasama at ang 4 na buwang gulang na anak ng 19-anyos na lalaking namatay dahil sa pananaksak ng tricycle driver sa Las Piñas City. Nadiskubre ang katawan ni Michael Baracena malapit sa pila ng mga tricycle sa Pilar Road sa Barangay Almanza Uno madaling araw ng Sabado. Sinaksak siya sa leeg at nakabukas nang bahagya ang kaniyang pantalon. Ilang metro mula sa biktima, nakita naman ang mga dugo sa isang inidoro at pader ng palikuran. Babae, patay matapos pagsasaksakin ng sariling anak sa Pangasinan Ayon sa kinakasama ng biktima na si Angelica Domingo, nagpaalam sa kaniya si Baracena na pupunta sa bahay ng biyenan. Pero hindi na siya umano nakapunta roon. 2 teenager patay nang saksakin ng kinakasama ng ina sa Leyte Nagtatrabaho ang biktima bilang hardinero para kumita ng pera para sa mag-ina niya. Inaresto ang si Abiel Ralph Diaz, 35, alyas Rap-Rap, matapos siya makita sa crime scene. Agad siyang umamin sa krimen at itinuro ang kutsilyo na ginamit panaksak. Sabi ni Diaz, ilang beses siyang hiningan ng pera ng biktima kaya niya ito sinaksak sa inis dahil wala naman siyang maibigay. Dagdag niya, magkaibigan sila ng biktima, pero ayon sa kinakasama hindi niya kilala ang suspek. Bangkay ng babae natagpuang may 37 saksak sa Catbalogan Ayon sa pulis, wala namang record ang suspek sa pulis o barangay. Magkapatid pinagsasaksak ng 8 menor de edad sa Iloilo; kuya patay Sinampahan na si Diaz ng kasong murder. Humihingi naman ng tulong ang pamilya ni Baracena para makakalap ng P45,000 para mailabas sa punerarya ang kanyang bangkay. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Teleradyo, Tagalog news, Sakto, pananaksak, murder Read More: Teleradyo Tagalog news Sakto pananaksak murder