Barangay chairman, patay sa pamamaril sa Maynila

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2018 11:18 PM

MANILA - Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa Maynila ngayong Miyerkoles.

Sa hospital na binawian ng buhay ang biktimang si Joseph Moran, chairman ng Barangay 100 sa Tondo.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Manila Police District, kausap ng biktima ang kagawad na si Edwin Bade sa tapat ng barangay hall sa Jacinto Street nang biglang sumulpot ang mga salarin at pinagbabaril ang biktima sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.