Testigo inatake sa pagdinig ng Makati court

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 11:11 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inatake sa puso ang isang lalaking testigo sa gitna ng pagdinig ng Makati Metropolitan Trial Court Branch 163 ngayong Huwebes.

Ayon sa mga nakakita, bigla na lamang tumumba ang may edad na lalaki habang nakaupo ito, dahilan para mabagok ang kaniyang ulo at mawalan ng ulirat.

Binigyan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) ang lalaki nang ilang minuto habang hinihintay ang mga medic na nagsugod sa kanya sa ospital.

Hiniling ng korte na huwag pangalanan ang lalaki.

DZMM, 11 Oktubre 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.