'Patawarin, hindi patayin': Cherry Pie Picache, tutol na ibalik ang death penalty

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 02:20 AM

Watch also in iWantTFC

Idinaos ang isang misa bilang paggunita sa "World Day against the Death Penalty". Patuloy namang isinusulong ng iba't ibang grupo ang pagtutol sa pagbalik ng parusang kamatayan. Isa ang aktres na si Cherry Pie Picache sa mga kumokontrang maibalik ang death penalty. Kahit namatay ang kaniyang ina sa karumal-dumal na krimen, iginiit ng aktres na di dapat patayin ang mga kriminal. Nagpa-Patrol, Abner Mercado. TV Patrol, Martes, 10 Oktubre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.