BJMP nangangailangan ng 1,000 tauhan

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2017 03:45 PM

Watch also in iWantTFC

Inanunsyo ng Bureau of Jail Management and Penology ngayong Miyerkoles na nangangailangan ito ng 1,000 bagong kawani.

May starting salary na P23,000 kada buwan ang mga makukuhang aplikante para sa junior officer 1 na entry position, sabi ni Senior Insp. Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP.

Bukas aniya ang posisyon sa mga aplikanteng edad 21 hanggang 30 na nakapagtapos ng anumang 4-year degree course at nakapasa sa board, civil service o penology officer exams.

Dagdag ni Solda, may height requirement na 5'2" para sa mga babae at 5'4" para sa mga lalaki.

Para sa iba bang detalye sa submission ng resumé, maaari aniyang bisitahin ang BJMP website o Facebook page at magtungo sa mga opisina ng kawanihan.

DZMM, 11 Oktubre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.