Lalaking hinihinalang biktima ng summary execution natagpuan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2020 09:45 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Natagpuan ang isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa Barangay Mariana, Quezon City.

Putol ang daliri ng bangkay na nakabalot ng packaging tape at iniwan malapit sa Mount Carmel Church.

Inaalam pa ang sahi ng pagkamatay ng biktima gayundin ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Noong nakaraang buwan, isang salvage victim din ang iniwan sa nasabing lugar.


TeleRadyo, 10 Oktubre 2020