Matadero, patay sa pamamaril sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 09:47 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang isang matadero matapos pagbabarilin sa Tondo, Maynila, Martes.

Katatapos lang maglaba at napag-utusang bumili ng alak ang 32-anyos na biktimang si Erwin Llego.

Alas-2:30 ng madaling araw, habang nakatambay sa Bonifacio Street, Barangay 101 sa Vitas kasama ang kapitbahay, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang biktima.

Nakarinig ng 2 putok ng baril ang mga residente sa lugar saka nakitang nakabulagta na si Llago.

Hindi na rin nila namukhaan ang bumaril sa biktima dahil malayo na ito nang makita ng mga residente.

Nakatakbo naman ang kasama ni Llego.

Ayon sa tiyuhin ni Llego na sekretarya ng barangay, dati siyang gumagamit ng droga pero tumigil na ito at nagtatrabaho na bilang matador.

Naniniwala ang mga kamag-anak na napagkamalan lamang si Llego dahil natiyempuhang nakatambay siya sa madilim na kalsada.

Malinis naman umano ang record sa barangay si Llego kaya wala silang nakikitang ibang motibo sa pamamaril. – Umagang kay Ganda, 10 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.