28 bahay sa S. Cotabato nasira ng malakas na hangin

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2017 10:31 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Dalawamput-walong bahay ang nasira sa Norala, South Cotabato matapos hambalusin ng malakas na hangin.

Natuklap ang bubong ng karamihan sa mga bahay at may mga nabagsakan din ng puno.

Wala namang naiulat na nasaktan sa paghambalos ng malakas na hangin.

Hinala ng mga residente, isang buhawi ang nanalasa sa kanilang lugar. Umagang kay Ganda, 10 October 2017

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.