Home > News MMDA paiigtingin ang pagkalat ng panuntunan ukol sa bus rerouting ABS-CBN News Posted at Oct 08 2020 10:03 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority ang information drive nito ukol sa bus rerouting matapos karamihan sa mga pasahero ang naglakad dahil sa kalituhan nitong Miyerkoles. Karamihan sa mga pasahero ng mga bus na biyaheng Agham Road at Quezon Avenue ay pinababa ng mga driver at konduktor, ayon kay MMDA traffic head Bong Nebrija. Mga pasahero napalakad dahil sa kawalan ng abiso sa EDSA bus rerouting "Yan po ang isang pagtutuunan namin ng pansin, 'yung pagdi-disseminate. Kaya nga po ang sinasabi namin tulungan kami ng bus drivers paano magexplain ng ruta," aniya sa Teleradyo. "Talagang minandohan namin ang intersections kahapon kasi nga dahil sa rerouting na to alam naming maapektuhan yung Agham Road atsaka yung Quezon Avenue...We just wanted to make sure lahat susunod sa panuntunan na 'yun." Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, Teleradyo, MMDA, Quezon Avenue, Agham Road, Commonwealth, traffic, Metro Manila, Bong Nebrija, commuters, transportation Read More: Tagalog news Teleradyo MMDA Quezon Avenue Agham Road Commonwealth traffic Metro Manila Bong Nebrija commuters transportation