PatrolPH

2 tiklo sa pagpatay umano sa pulis sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2022 06:36 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Taong 2002 nang mangyari ang alitan sa pagitan ng dalawang pulis sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kung saan napatay ang isa.

Ayon sa QCPD, ang mismong kaanak ng napaslang na pulis, na nakatalaga noon sa Kamuning Police Station, ang nakakita sa mga suspek.

Humingi ang mga ito ng tulong kaya agad isinagawa ang surveillance sa mga ito. At sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ang dalawa nitong Miyerkules

Ang mga suspek naman, iginiit na kasama lang sila ng pulis na siyang nakapatay sa biktima at hindi umano sila nagtago.

Dating barangay tanod ang dalawa at kuwento nila, rumesponde umano sila sa isang gulo sa inuman sa lugar. Nagpaputok umano ng baril ang kasama nilang pulis kaya’t nagsumbong ang mga residente sa biktima na noo’y natutulog.

Dito na umano nagkaroon nang hindi pagkakasundo.

Ang pulis na kasama ng mga suspek ay nakakulong na umano, ayon sa PNP. Ang sabi ng mga nahuling suspek, hindi nila alam umano na nagkaroon ng hearing.

Kasong murder ang haharapin ng mga nahuli na nakakulong na sa Payatas Police Station dito sa Quezon City.—Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.