DBM: Mga serbisyo at proyekto apektado kung maaantala pagpasa sa 2021 budget

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2020 03:58 PM

Watch also in iWantTFC

Umaasa ang Department of Budget and Management na maipapasa nang nasa oras ang 2021 national budget.

Paliwanag sa TeleRadyo ni Budget Secretary Wendel Avisado, maraming maaantalang proyekto at serbisyo kapag naantala rin ang budget.

Kabilang aniya dito ang pasahod sa manggagawa, social services at infrastructure projects.

Aniya, kapag naantala ang mga ito, maaapektuhan din ang ekonomiya ng bansa.

Matatandaang ipinasa ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang P4.5-trillion proposed 2021 budget nitong Martes at nag-suspende ng sesyon hanggang Nobyembre sa gitna ng iringan para sa House Speakership. 

Nagbabala ang Senado na kung hindi maiaakyat sa kanila ang proposed budget ng Kamara bago ang nakatakdang session break sa Oktubre 14 ay maaaring maantala ang pagpasa nito. 

— Headline Pilipinas, Teleradyo , 7 Oktubre 2020