PatrolPH

Residential area sa Caloocan sumiklab

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2022 08:00 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nawala parang bula ang lahat ng mga pinundar na gamit ng pamilya Papauran matapos masunog ang inuupahan nilang bahay sa Bagong Barrio, Caloocan, Huwebes mag-aala-1 ng madaling araw.

Kuwento ni Maureen Papauran, nabulabog sila nang masunog ang ikalawang palapag ng inuupahan nilang bahay.

Nailigtas niya ang anim na anak, ngunit wala naman naisalba sa kanilang mga gamit.

Problemado siya ngayon dahil pati gamit pang-eskwela ng kaniyang mga anak ay naabo sa sunog.

"Wala po kami natira. Hindi po namin sariling bahay 'yan. Sana matulungan po kami, construction (worker) lang po asawa ko," aniya.

Ayon sa BFP, agad naapula ang sunog makalipas ang 40 minuto. Walang nasugatan sa insidente pero dalawang pamilya ang naapektuhan dito.

Inaalam pa ang posibleng pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng natupok nito.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.