Home > News Marcos hinimok na magtalaga na ng bagong DOH chief ABS-CBN News Posted at Oct 06 2022 11:26 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Hinihimok ng ilang political experts ang pagtatalaga ng bagong Health secretary sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa unang 100 araw sa pwesto, wala pang itinalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mamumuno ng Department of Health. Ayon kay Prof. Edmund Tayao, isang political analyst, kailangan talaga magkaroon ng bagong DOH secretary. Ito din ang daing ni Prof. Froilan Calilung, isa ring analyst. Ani Calilung, kailangan talaga magkaroon ng bagong DOH Secretary. Sa kasalukuyan, si DOH Usec. Maria Rosario Vergeire ang namumuno bilang officer-in-charge ng ahensiya. PASADO AT BAGSAK Ayon kay Tayao, binigyan ng bagsak na marka ang Marcos Jr. administration sa unang 100 araw nito dahil sa kawalan ng Philippine development plan (PDP). Aniya, dapat ilabas ang PDP bago matapos ang taon. Ayon naman kay Calilung, binigyan niya ng passing grade ang Pangulo dahil may mga key measure na ginawa ang administrasyon katulad ng right-sizing Kung ikukumpara sa Duterte administration, malinaw umano ang plano ng kasalakuyang administrasyon sa first 100 days nito.—SRO, TeleRadyo, Okt. 6, 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, SRO Read More: Ferdinand Marcos Jr Marcos Jr administration first 100 days DOH Health Secretary Department of Health