Mga guro, bundok at ilog tinatawid sa paghahatid ng modules sa Sarangani

ABS-CBN News

Posted at Oct 06 2020 04:45 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Balik-klase na ang mga estudyante sa pamamagitan ng distance learning pero marami pa rin sa mga guro ang problema pa rin ang pamamahagi ng modules.

Isa mga ito ay si teacher Ryan James Dueñas ng D. Masalon Y. Recto Elementary School sa Sarangani Province.

Kuwento ni Dueñas, kailangan pa nilang tumawid sa ilog at bundok para lang madala ang modules sa mga estudyante.

Inaabot sila ng hanggang 6 na oras sa biyahe mula sa Poblacion papunta sa estasyon nila sa Barangay Pangyan.

Kailangan din inilang sumakay sa habal-habal.

— Headline Pilipinas, 6 Oktubre 2020