Home > News Sapul sa CCTV: Pagnanakaw sa tindahan ng damit sa Iloilo ABS-CBN News Posted at Oct 03 2022 11:22 PM | Updated as of Oct 04 2022 10:29 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Video mula Zoezzz StreetWear Nakuhanan ng CCTV ang aktong pagnanakaw ng dalawang suspek sa isang tindahan ng damit sa La Paz, Iloilo City nitong Lunes ng hapon. Kita sa footage na ibinahagi ng may-ari ng naturang tindahan sa Brgy. Rizal ang isang babae at lalaki na kunwari namimili ng damit. Pasimpleng kinuha ng lalaki ang isang t-shirt na nakasabit at kinuha sa hanger bago tumalikod sa CCTV at mabilis na ipinasok sa dala niyang bag. Abala naman ang nagbabantay sa kausap na babaeng kasabwat. Ayon sa may-ari, kaagad na umalis ang dalawa sakay sa isang motorsiklo matapos na makuha ang damit. Tirador ng cellphone, nagpanggap na customer Inireport ng may-ari sa La Paz PNP ang nangyaring pagnanakaw at para matukoy ang mga suspek. Nitong Biyernes ng hapon, nakunan din ng CCTV ang pagnanakaw ng isang babae sa kaparehong tindahan.—Ulat ni Rolen Escaniel Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Regional news, Tagalog news, crime Read More: Iloilo City pagnanakaw sapul sa CCTV