Seguridad sa paligid ng Comelec tent sa Pasay, hinigpitan na

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2021 02:00 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sinimulan nang ipatayo ang security checkpoint sa CCP Complez sa kanto ng Vicente Sotto Street papunta ng A. Dela Rama kung nasaan ang Sofitel Hotel na venue ng filing ng certificates of candidacy simula ngayong Biyernes.

Nasa 3,000 ang bilang ng mga pulis, sundalo at enforcers na idedeploy sa paligid ng CCP.

Kasama dyan ang anti-riot police na naka full anti-riot gear at pumuwesto sa kanto ng Vicente Sotto Street para mapigilan ang posibleng paglapit ng kilos protesta o mass gathering na inasahan ng mga pulis kasabay ng filing of COC ng mga kandidato.

Kasama sa hinaharang ay mga sasakyang wala namang gagawin sa bahagi ng nasasakupan ng Sofitel Hotel, Senate at paligid ng venue filing ng mga COCs.

Ngayong Biyernes hanggang sa sususnod na linggo ipatutupad ang one-way traffic scheme ng Metropolitan Manila Development Authority papunta ng Sofitel Hotel para makontrol ang daloy ng mga sasakyan at maiwasan na rin ang pagbugso ng traffic.

- TeleRadyo 1 Oktubre 2021