PatrolPH

Mga deboto sa Quiapo Church dagsa sa 1st Friday ng Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2021 07:41 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Dagsa na ang deboto sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila para dumalo sa unang Biyernes ng buwan ng Oktubre.

Sa unang Misa pa lamang ng alas-4 ay puno agad ang simbahan at maging sa Plaza Miranda. Naglagay na rin ng mga upuan para sa mga nagsisimba habang nakikinig ng Misa. Mga senior citizens ang prayoridad na mag okupa sa mga ito. May mga tent din na inilgay para hindi naman mababad sa araw ang mga deboto sa tanghali.

Mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng minimum health protocols at dahil maraming tao, kailangan pa ring magsuot ng face shield ang mga deboto bukod sa face mask.

Pinapayagan namang makapasok sa loob ng simbahan ang mga debotong fully vaccinated. Hanggang Plaza Miranda lang ang naka first dose at wala pang bakuna.

- TeleRadyo 1 Oktubre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.