Home > News Lalaki patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay sa Caloocan ABS-CBN News Posted at Oct 01 2021 07:59 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Dead on the spot ang 30 taong gulang na si Aaron Alabado matapos siyang pagbabarilin sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay 172 sa Caloocan City. Ayon sa imbestigasyon, magbubukas sana ng tindahan ang lalaki Huwebes ng gabi nang biglang pagbabarilin mula sa bintana. Riding-in-tandem umano ang bumaril na agad naman nakatakas. Base sa kapitan ng barangay, wala silang alam na kaaway ng biktima dahil malinis ang record nito. Sa ngayon ay palaisipan pa sa mga kaanak kung bakit binaril si Alabado. Iniimbestigahan na rin ng Caloocan City Police ang insidente. - TeleRadyo 1 Oktubre 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Pamamaril, Caloocan City, Metro crime, riding in tandem, crime, shooting incident Read More: Pamamaril Caloocan City Metro crime riding in tandem crime shooting incident