Nasa P800-K halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela; 4 arestado

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2020 07:21 AM | Updated as of Sep 30 2020 07:22 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang apat na suspek matapos mahulihan sila ng nasa P800,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Canumay West, Valenzuela City nitong Martes.

Sa surveillance video, nakita pa ang pagtatarya ni "Rey" ng shabu.

Arestado rin ang asawa ni Rey at dalawa pang kasama.

Ayon sa Northern Police District, one stop-shop ng shabu ang bahay ni Rey sa L. San Diego St. dahil dito na ang bentahan at dito na rin sila gumagamit.

Aminado si Rey na nagsha-shabu siya pero hindi naman nagbebenta. Ayon sa isa pang suspek, umiiskor talaga siya sa bahay na 'yon.

Kulong ang apat na suspek na mahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. --Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.