PatrolPH

4 na lugar sa Quezon City naka-‘special concern lockdown’

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2021 07:49 AM | Updated as of Sep 29 2021 08:06 AM

Watch more on iWantTFC

Patuloy na nadadagdagan ang mga lugar na isinasailalim sa special concern lockdown sa Quezon City bunsod ng pagtaas ng COVID-19.

Sa ngayon ay nasa 53 ang mga lugar na naka-lockdown matapos madagdagan ng 4 na bagong lugar Martes:

 

Sa pinakahuling tala ng lokal na pamahalaan, nasa 9,773 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 580 sa mga kaso ang galing sa mga nabanggit na barangay.

Magtatagal ng 14 na araw ang lockdown sa bawat lugar. 

Lahat ng mga residente sa mga lugar na nasa SCL ay hindi maaaring lumabas sa bahay. 

Ang mga authorized persons outside of residence na magnanais lumabas ng bahay para magtrabaho ay puwedeng umalis pero makakabalik na lamang sila sa kani-kanilang mga bahay kapag tapos na ang lockdown. 

Kailangan din nilang magpakita ng negative swab test result para makauwi.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan na sasagutin nila lahat ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga maapektuhan ng lockdown gaya ng mga diaper at gatas para sa mga bata. 

Isasailalim rin sila sa swab testing.

Tuloy tuloy naman ang pagbabakuna sa lungsod kung saang nasa mahigit 3.1 milyon na ang nabakunahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.