PatrolPH

Magkapatid arestado sa buy-bust sa Rizal; P6.9-milyon na shabu nasamsam

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2022 12:02 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Naaresto ang 2 babaeng magkapatid sa buy-bust operation kontra ilegal na droga sa San Mateo, Rizal, kung saan nasamsam ang nasa P6.9-milyong halaga ng shabu. 

Nasa 1.2 kilo ang drogang nakuha sa magkapatid na may edad 45 at 56 sa Barangay Gulod Malaya nitong Linggo ng gabi.

Halos isang buwan pa lang umano nagtitinda ng droga ang mga suspek, na wala pang regular na kliyente, ayon kay Lt. Mariesol Tactaquin, tagapagsalita ng Rizal police. 

Dagdag niya, hindi pa kasama sa watchlist ang magkapatid at wala ring criminal record bago mahuli. 

Pero bago ang operasyon, naaresto rin ng mga pulis nitong Sabado ang iba pang kaanak ng mga suspek. Nasa 240 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.6 milyon ang nakuha sa kanila.
 
Hinahanap pa ngayon ng mga pulis ang supplier ng droga ng mga suspek. 

Kinasuhan na sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— TeleRadyo, 27 Setyembre 2022 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.