Home > News P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Maynila Lady Vicencio, ABS-CBN News Posted at Sep 28 2021 07:39 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Arestado sa buy-bust operation ng PDEA Regional Office IV-A special enforcement team ang isang lalaki sa Maynila. Residente sa Port Area ang suspek, 33 anyos, isang tricycle driver at umano’y kilalang tulak ng droga sa Maynila at mga karatig-lugar. Suspek patay, P13 milyong halaga ng shabu kumpiskado sa Sulu drug bust Nakipagkita siya sa nagpanggap na buyer sa Intramuros kung saan siya nagbenta umano ng hinihinalang shabu. Higit P500-M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City Nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa kanya na nagkakahalaga ng P3.4 million. Inaalam pa ang pinanggagalingan ng kaniyang suplay ng ilegal na droga. Walang piyansa ang kasong pagbebenta ng ilegal na droga na isinampa sa kanya. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, Sakto, Teleradyo, shabu, ilegal na droga, drug suspek Read More: Tagalog news Sakto Teleradyo shabu ilegal na droga drug suspek