Mga magpaparehistro para sa #Halalan2022 nagpalipas ng gabi sa registration site sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2021 09:15 AM | Updated as of Sep 28 2021 09:43 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Tatlong araw na lang bago ang deadline sa registration para sa darating na halalan pero marami sa mga Pilipino ang nagkukumahog pa rin na makapagrehistro.

Kanya-kanyang latag ng karton ang hindi bababa sa 100 indibidwal na nagpalipas ng gabi sa isang mall sa Quezon City.

Isang mall sa North Avenue ang ginawang designated registration area para sa mga residente ng District 2 ng Quezon City.

Ang iba ay alas-7 pa lang ng gabi pumila para makaabot sa 300 mahigit na slots para makapagrehistro. 

Pero nadismaya sila dahil pinaalis sila ng mga pulis sa lugar dahil sa ipinatutupad na curfew. Pagbalik nila ay higit 300 na ang nakapila sa lugar.

May iba rin ang hindi alam kung saan ang registration site ngayong Martes.

May ilang residente ng Fairview ang nagpunta pa sa North Avenue dahil akala nila doon ulit ang registration site para sa area nila. Napag-alaman nilang sa isang mall sa Fairview pala ngayong Martes gaganapin ang kanilang registration. — TeleRadyo 28 Setyembre 2021