PatrolPH

5 suspek tiklo dahil sa pagbebenta ng droga sa Quiapo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2021 07:10 AM

Watch more on iWantTFC

Limang drug suspek ang arestado dahil sa pagbebenta ng droga sa Quiapo, Maynila. 

Ikinasa ng Manila Police District Station 3 Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation sa Quiapo, Maynila laban kay alyas Twinkle, 30 anyos, na nagtutulak umano ng droga sa lugar. 

Nangyari ang transaksyon sa kanto ng Carlos Palanca at Quezon Boulevard sa Barangay 306 kung saan nagbenta sila ng limandaang pisong halaga ng hinihinalang shabu.

Nang kapkapan ang suspek at apat pa niyang kasama, pitong pakete ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa kanila. Higit P102,000 ang halaga nito.

Ayon sa pulisya, miyembro ng Sigue Sigue at Commando Gang ang target.

Pare-pareho ring may kaugnayan sa iba pang grupo tulad ng Bahala na Gang at Sigue Sigue Sputnik ang apat pang inaresto.

Wala ring trabaho ang mga nahuling suspek.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kasong isinampa sa kanila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.