PatrolPH

PANOORIN: Viral road rage sa General Trias, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2023 11:57 PM

Watch more on iWantTFC

Viral sa social media ang isang road rage incident sa General Trias, Cavite noong Sabado (Setyembre 23) kung saan lumabas ang isang lalaki ng kaniyang sasakyan at paulit-ulit na minura ang biktimang si Jarrid Bation.

Sa naturang video na kuha ni Bation, nagalit ang lalaki matapos siyang businahan ni Bation, at tuluyan pa itong nagalit nang tanungin siya ni Bation kung nakainom ba ito.

Pinaghahanap na ng General Trias PNP ang lalaki para magpaliwanag. Naisyuhan na rin ng LTO ng show-cause order ang may-ari ng sasakyan.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng nasabing lalaki sa video ngunit wala pa itong sagot.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.