Walang casualty dulot ng Karding sa Norzagaray, Bulacan: opisyal

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 12:36 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Wala pang naitatalang casualty mula sa pananalasa ng bagyong Karding sa bayan ng Norzagaray sa Bulacan, ayon sa isang opisyal nito.

Isa ang Norzagaray sa mga bayan na isinailalim sa tropical cyclone wind signal no. 5 bilang paghahanda sa delubyong dulot ng bagyo.

“As of 8 o’clock today, nag-ikot po ang ating punong-bayan, Mayor Merlyn Gemar, wala naman po kaming naging, sa awa po ng Diyos, wala naman kami naging casualty,” ayon kay Municipal Disaster Risk Rediction and Management Officer Jerison Billo.

Dagdag pa ng opisyal, namimigay na sila ng tulong sa mga residente nilang pumunta sa mga evacuation centers.

“Ngayon po ongoing ang relief operation namin, sa mga 4 na affected barangay po.”

Kuwento niya, lumikas ang ilan sa kanilang mga kababayan matapos mapabalitang magpapakawala ng tubig ang Ipo Dam dahil sa mga pag-ulang dulot ng bagyong Karding.

Unti-unti nang gumaganda ang panahon sa kanilang lugar ngayong Lunes, aniya.

--TeleRadyo, 26 Setyembre 2022